Skip to main content

𝐊𝐀𝐔𝐍𝐀-𝐔𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐏 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐓𝐎 𝐍𝐆 𝐈𝐋𝐎𝐂𝐎𝐒 𝐒𝐔𝐑 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐅𝐈𝐍𝐀𝐋𝐈𝐒𝐓 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐌𝐀𝐃𝐀𝐘𝐄𝐖 𝐒𝐈𝐍𝐓𝐀𝐓𝐀𝐊𝐎

What's New!August 1, 2026DILG IS Sub-Cluster 1 Public Information Office
Photo 1
Photo 2
Photo 3
Photo 4
Photo 5
1 / 5
What's New!DILG IS Sub-Cluster 1 Public Information Office

Ang 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐝𝐨𝐧, 𝐂𝐚𝐛𝐮𝐠𝐚𝐨, 𝐈𝐥𝐨𝐜𝐨𝐬 𝐒𝐮𝐫 ay nagmarka ng isang makasaysayang tagumpay bilang kauna-unahang Indigenous Peoples (IP) barangay sa 𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐈𝐥𝐨𝐜𝐨𝐬 𝐒𝐮𝐫 na napabilang sa mga finalists ng 𝐏𝐚𝐦𝐦𝐚𝐝𝐚𝐲𝐞𝐰 𝐒𝐢𝐧𝐭𝐚𝐭𝐚𝐤𝐨 sa loob ng tatlong taong implementasyon ng programa.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng dedikasyon at sama-samang pagkilos ng pamahalaang barangay, mga katutubong pamayanan, at ng 𝐋𝐨𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐚𝐛𝐮𝐠𝐚𝐨 sa pagtataguyod ng inklusibong pamamahala, pangangalaga sa kultura at tradisyon, at pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad. Sa isinagawang onsite validation noong Hunyo 24, 2026, naipakita ng Barangay Maradodon ang mga makabuluhang programa at inisyatiba na nagbigay-daan upang ito ay makilala bilang isa sa mga finalists ng Pammadayew Sintatako. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang karangalan para sa Barangay Maradodon at sa Bayan ng Cabugao, kundi isang inspirasyon din sa iba pang mga pamayanang katutubo sa Ilocos Sur na patuloy na isulong ang mabuting pamamahala, pagkakaisa, at napapanatiling kaunlaran. Pagbati sa Barangay Maradodon, Cabugao, Ilocos Sur sa makasaysayang tagumpay na ito! 🎉 #PammadayewSintatako #BarangayMaradodon #CabugaoIlocosSur #IPCommunity #InclusiveEducationeGovernance #dilgilocossur #dilgsubcluster1
Back to NewsShare on Facebook